Programang Tulong sa Panahon ng Emerhensiya Dahil sa Sakuna
Ang Golden State Water Company (Golden State Water) ay nagpatupad ng isang Programang Tulong sa Panahon ng Emerhensiya Dahil sa Sakuna (Emergency Disaster Relief Program), na nagkakaloob ng ilang mga partikular na proteksyon para sa mga kostumer na naapektuhan ng mga wildfire (kalat na pagsunog) o iba pang mga likas na sakuna. Sa kaganapan na ipinahayag ang isang State of Emergency sa estado o sa pambansang level, ang mga kostumer na nakakatugon sa mga sumusunod na kriterya ay maaaring karapat-dapat para sa proteksyon:
- Ang mga kawalan na may kinalaman sa sakuna at ang pagkakagambala sa paghahatid o pagtatanggap ng serbisyo sa tubig, at/o pagbaba ng kalidad ng pampublikong serbisyo (tubig, gas, kuryente atbp.).
Kung natutugunan ang mga kriterya, ang Golden State ay:
- Makikipagtulungan sa mga naapektuhang kostumer para malutas ang hindi nabayarang mga bill o singilin at babawasan ang mga pagkakaputol (ng serbisyo) sanhi ng hindi pagbabayad;
- Babawiin ang mga kaukulang bayad para sa muling pagkokonekta o mga kaukulang bayad para sa pasilidad para sa mga naapektuhang kostumer at susupindehin ang mga deposito para sa mga naapektuhang kostumer na kailangang makakonekta muli sa system;
- Magkakaloob ng mga makatuwirang opsyon sa pagbabayad para sa mga naapektuhang kostumer;
- Babawiin ang mga bill para sa mga kostumer na nawalan ng mga tirahan o kung ang mga tirahan ay naturing na hindi na maaaring matirahan; at,
- Papahintulutan ang isang pro rata waiver sa anumang natakdang elemento ng bill sa tubig para sa panahong ang tirahan ay hindi pa matitirahan, kahit na ang dahilan kung bakit hindi ito matitirahan ay hindi ang kawalan ng serbisyo ng tubig.
Ang Emergency Disaster Relief Program ay umaalinsunod sa California Public Utilities Commission (CPUC) Resolution No. M-4833, kung saan nagiging permanente ang mga nakasaad sa itaas na proteksyon para sa mga kostumer na pinaglilingkuran ng mga tagapagkaloob ng serbisyo ng tubig na nasa ilalim ng regulasyon ng CPUC na nasa estado ng California, tulad ng Golden State Water.