Patakaran Ng Gswc Sa Pagpapatigil Ng Mga Serbisyong Residensiyal Dahil Sa Di Pagbabayad

Post

PANGHULING PAUNAWA NG PAGWAWAKAS - Sirang Pag-aayos ng Pagbabayad

PANGHULING PAUNAWA NG PAGWAWAKAS - Ibalik ang Mail

Ang mga utang o bayarin (bills) mula sa GSWC ay kailangang mabayaran sa petsa na nakalagay sa bayarin.  Kung ang mga bayarin ay binabayaran buwanan o kada kalahating buwan, ang mga ito ay itinuturing na lagpas na sa petsa (delingkuwente) kung di ito nabayaran sa loob ng 19 na araw mula sa petsa na ipinadala ito sa inyo. Responsibilidad ng bawat kustomer na bayaran nang buo at sa tamang panahon ang kanyang utang. Binibigyan ng GSWC ang bawat residensiyal na kustomer ng kabuuang 79 na araw mula sa pagpapadala ng bill upang mabayaran nito ng buo ang kanyang utang bago maipatupad ang pagpapatigil ng serbisyo. Alamin kung paano ninyo maiwasan ang pagpapatigil ng serbisyong residensiyal sa pamamagitan ng pagtawag sa 800-999-4033.  Para sa patakarang ito, ang ibig sabihin ng serbisyong residensiyal ay ang serbisyo sa tubig sa isang tirahan kabilang na rito ang mga tirahan para iisang pamiliya, mga tirahan para sa higit sa isang pamiliya, mobilehomes, kasama na rito, ngunit di ito limitado, sa mga mobilehomes na nasa mobilehome parks, o tirahan ng mga trabahador sa bukid.

Iba Pang Paraan ng Pagbabayad

Nauunawaan ng GSWC na kung minsan ay nakararanas ng kakulangan ng pera ang mga kustomer at maaaring di nila nababayaran sa tamang panahon ang kanilang utang. Kung bago pa man, o sa araw na matanggap nila ang abiso na sila ay mapuputulan ng serbisyo, ang residensiyal na kustomer na di pa makababayad, ay kailangang tawagan niya agad ang GSWC sa  800-999-4033 bago sila’y maputulan ng serbisyo upang hingin ang “deferred payment” na pagbabayad o pagpapaliban ng pagbabayad (magbabayad siya sa ibang araw), na mapaliit ang babayaran o “reduced payment”  (hatihatiin ang babayaran sa pinagkasunduang tagal ng panahon na di lalagpas sa 12 na buwan), o iba pang paraan ng pagbabayad upang maiwasan ang pagpapatigil ng serbisyo. Ang mga serbisyo ay di mapatitigil dahil sa di pagbabayad para sa mga kustomer na susunod sa ibang paraan ng pagbabayad na sinang-ayonan din ng GSWC, basta ang kustomer ay babayaran niya ang nagagamit niyang tubig tuwi-tuwina dahil ang babayarin ay maidadagdag na naman sa susunod na babayaran. Kung di matupad ng kustomer ang pinagkasunduang ibang paraan ng pagbabayad, magbibigay ng abiso ang GSWC, di kukulangin ng 5 araw na may opisina, bago nito ipatigil ang serbisyo. Kung ganito ang mangyayari, wala nang karapatan ang kustomer para sa anumang imbestigasyon o sa iba pang paraan ng pagbabayad na itatalaga ng GSWC.

Iksemsiyon sa Kalusugan at Kaligtasan sa Tirahan

Hindi mapuputol o mapatitigil ang serbisyo sa tubig dahil sa di pagbabayad kung maibigay ng kustomer sa GSWC ang patunay na matutugunan ang lahat na kondisyon na nakasaad sa baba:

a) Magbigay ang residensiyal na kustomer ng sertipikasyon mula sa isang nagbibigay ng pag-aalaga sa kalusugan (primary care provider), ayon sa Batas sa Proteksyon sa Pagkakaputol ng Serbisyo sa Tubig (Water Shutoff Protection Act), na ang pagpapatigil ng serbisyo sa tubig sa tirahan ay mapanganib sa, o magdudulot ng panganib sa kalusugan at kaligtasan, ng residente sa lugar na kung saan naibibigay ang serbisyo,

b) Patunay na ang residensiyal na kustomer ay di nito makayanang magbayad para sa serbisyong residensiyal sa loob ng normal na panahon ng paniningil ng GSWC ng bayarin, at

c) Sumasang-ayon ang residensiyal na kustomer sa “deferred payment” (magbabayad siya sa ibang araw), “reduced payment” (hatihatiin ang babarayan sa pinagkasunduang tagal ng panahon na di lalagpas sa 12 na buwan), o iba pang paraan ng pagbabayad.

Abiso sa Pagpapatigil ng Serbisyong Residensiyal sa Tubig Dahil sa Di Pagbabayad

Hindi ipatitigil ng GSWC ang serbisyong residensiyal dahil sa di pagbabayad ng utang maliban na lamang kung magbibigay muna ang GSWC ng abiso tungkol sa di nabayarang utang at sa maaaring pagpapatigil ng serbisyo, sang-ayon sa Alituntunin Blng. 8.A.3.  Ito ang nagbibigay ng panahon ng pag-aabiso mula 7 hanggang 15 araw, depende sa bilang ng mga nakatira.  Sino man ang may-ari, tagapamahala, o nagpapatakbo sa tirahan, gusali, o parke na nakalista sa rekord ng GSWC bilang kustomer, gagawin ng GSWC ang lahat upang maabisuhan ang mga nakatira sa residensiyang iyon, sa pamamagitan ng sulat sang-ayon sa Alituntunin Blng. 8.A.3.b.

Tinututulang Bayarin

Petisyon para sa Pagrerepaso ng Bayarin

Sino mang kustomer (o may sapat na gulang na nakatira sa adres na binibigyan ng serbisyo) na tumututol o kumukuwestiyon sa kanilang bayarin o bill  sa tubig ay maaaring magdulog ng petisyon o reklamo sa GSWC upang marepaso ang tinututulang bayarin sa pamamagitan ng pagtawag sa 800-999-4033.  Hindi mapuputulan ng serbisyo ng tubig ang kustomer dahil sa di pagbabayad ng utang habang iniimbistigahan ng GSWC ang bagay na ito, kung:

a) nakapagdulog ang kustomer ng petisyon sa loob ng 5 araw mula sa pagkatanggap niya ng tinututulan niyang bayarin, at b) nakapili na ang kustomer ng ibang paraan ng pagbabayad, na kung saan ay sinasabi niya di niya kayang magbayad ng buo sa loob ng normal na panahon ng pagbabayad, bago ng pagpapatigil ng serbisyo sang-ayon sa mga Alituntunin Blng. 5 at 10.

Pag-aapela sa Komisyon

Sino mang kustomer (o may sapat na gulang na nakatira sa adres na binibigyan ng serbisyo) na di nasisiyahan sa sagot ng GSWC sa kanyang petisyon o kahilingan para sa imbestigasyon, ay maaaring magdulog ng apela sa Komisyon sang-ayon sa mga Alituntunin Blng. 5 at 10 (kasama na rito ang pagdedeposito ng tinututulang bayad sa Komisyon).  Ang mga reklamo sa bayarin ay hinahawakan ng Consumer Affairs Branch (CAB) ng CPU at maaaring maipaparating online sa: http://www.cpuc.ca.gov/complaints/, sa telepono: 1-800-649-7570 (8:30 ng umaga hanggang 4:30 ng hapon, Lunes hanggang Biyernes) o sa koreyo: California Public Utilities Commission, Consumer Affairs Branch, 505 Van Ness Avenue, Room 2003, San Francisco, CA 94102.  Ang apela sa tinutulang bayarin na maipadadala sa Komisyon ay kailangang sang-ayon sa mga Alituntunin ng Kaugalian at Pamamaraan (Rules of Practice and Procedure) ng Komisyon. Ang nakasulat na dokumentasyon ng apela na naibigay at masikap na sinusundan sa Komisyon ay mahadlangan nito ang pagpapatigil ng serbisyo sa tubig habang dinidinig ang apela.

Pagpapatigil Dahil sa Di Pagbabayad

Kung ang bayarin (bill) sa serbisyo sa tubig ay lagpas na sa itinakdang panahon ng pagbabayad at may naibigay na na abiso sa pagpapatigil ng serbisyo dahil sa di pagbabayad, ang serbisyo ay maari ng putulin o ipatigil kung ang bayarin ay di pa nabayaran ng buo (o ang ibang paraan ng pagbabayad na sinang-ayonan ng GSWC ay di naipatupad) sa loob ng panahon na itinakda ng abiso. Gayon pa man, ang serbisyo sa kustomer ay di mapatitigil dahil sa di pagbabayad hanggang di nauubos ang anumang idinepositong pera upang matugunan ang hinihingi noon na pauna o kredito para sa serbisyo. Ang serbisyo ay di maipatitigil o mapuputol sa anumang araw ng Sabado, Linggo, walang pasok na itinakda ng pamahalaan (legal holiday), o anumang oras na di bukas sa publiko ang mga opisina ng GSWC. Iniiwasan din ng GSWC ang magpuputol ng serbisyo sa araw ng Biyernes o sa araw bago ng isang holiday.

Pagbabalik ng Serbisyo

Kapag ang serbisyo ay ipinatigil dahil sa di pagbabayad, maibabalik lamang ang serbisyo kapag nabayaran ng buo ang utang. Maniningil ng GSWC ng $40.00 na reconnection fee o bayad sa pagbabalik ng serbisyo para sa serbisyo na maibalik sa mga regular na oras ng trabaho o  $120.00 na reconnection fee kung hihilingin ng kustomer na maibalik ang serbisyo sa labas ng oras ng regular na trabaho sang-ayon sa Alituntunin Blng. 11.  Maaaring humingi ng GSWC ng deposito na ang halaga ay dalawang beses ang laki sa binabayaran tuwing buwan o kada dalawang beses isang buwan para maibalik ang pauna o kredito para sa kustomer na ang serbisyo ay ipinatigil dahil sa di pagbabayad alinsunod sa Alituntunin Blng. 7. Ang mga bayad na ipinadala sa pamamagitan ng automated telephone system, online sa pamamagitan ng internet o sa isang awtorisadong third party retailer ay maaaring di pa maililista sa account ng kustomer sa loob ng 24-48 oras kaya kailangang ipaalam agad ng kustomer na nakabayad na siya upang masiguradong maibabalik ang kanilang serbisyo sa tubig.